Kasarian ng Pangngalan
Mayroong apat na kasarian ang pangngalan. Ang Kasariang Panlalaki , Pambabae, Di-Tiyak at Walang kasarian.
- Panlalaki - ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao o hayop na lalaki.
Mga Halimbawa:
tatay, tito, lolo, kuya , hari at prinsipe
- Pambabae - ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao o hayop na babae.
Mga Halimbawa:
nanay, tita, lola, ate, reyna at prinsesa
- Di-Tiyak -ito ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao o hayop. Maaaring ito ay lalaki o babae.
Mga Halimbawa:
pinsan, kaibigan, kapitbahay at magulang
- Walang kasarian - ito ay tumutukoy sa ngalan ng bagay at lugar o mga bagay na walang buhay.
Mga Halimbawa:
pagkain, bahay, pasyalan, bola
Narito ang mga pagsasanay tungkol sa Kasarian ng Pangngalan
0 Comments