Gamit ng Malaking Titik

 Gamit ng Malaking Titik

Ang malaking titik ay ginagamit sa simula ng sumusunod:


1. Pantanging ngalan ng tao at mga titulo para sa tao

    Halimbawa: Shiela, Vincent,  Ginoong Diaz at  Doktor Reyes

2. Ngalan ng araw
    
  Hal. Linggo, Lunes, Martes,Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Sabado

3. Ngalan ng buwan

Hal. Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre

4. Mga pagdiriwang

         Hal. Araw ng Kagitingan, Araw ni Rizal, Pista ng Pahiyas

5. Pamagat ng aklat at kuwento

         Hal. Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Alamat ng Pinya

6. Pangalan ng Maykapal

        Hal. Panginoon, Diyos , Allah

7. Pantanging ngalan ng lugar, bagay at hayop

       Hal. Philippine Arena, Rolex, Snoopy

8. Simula ng isang pangungusap
  
      Hal. Sobrang sikat ng bandang BTS. 


Free worksheet: Gamit ng Malaking Titik

Post a Comment

0 Comments

Pages