Pagpapantig ng mga Salita

 Pagpapantig ng mga Salita

    Ang pagpapantig ay paraan ng paghahati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo rito. Gumagamit ng gitling (-) sa paghahati ng salita. Pantig ang tawag sa bawat saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Ang pagkakabuo ng bawat pantig sa isang salita ay tinatawag na kayarian ng pantig.  Maaaring ito ay isang  patinig (P), isang katinig at patinig (KP), o  kombinasyon ng mga katinig at patinig, tulad ng KPK o KKPKK. Sa Filipino, ang bawat isang pantig ay palaging may isang patinig (vowel).





Kayarian ng Pantig

P (patinig) Mga halimbawa: a-bo , i-to , u-sa

PK (patinig, katinig) Mga halimbawa: ak-lat , it-log , is-da

KP (katinig, patinig) Mga halimbawa: ba-ta, sa-ma , me-sa

KPK (katinig, patinig, katinig) Mga halimbawa: dok-tor, bas-ton , bas-ket

PKK (patinig, katinig, katinig) Mga halimbawa: blo-awt , eks-tra

KKPK (katinig, katinig, patinig, katinig) Mga halimbawa: trum-po , trak , tren

KPKK (katinig, patinig, katinig, katinig) Mga halimbawa: Nars , kard

KKPKK (katinig, katinig, patinig, katinig, katinig) Halimbawa: Tsart


Narito ang free Google Slides at worksheets ng aralin na maaari mong i-download upang magamit ng mga guro, mag-aaral, at mga magulang sa pag-aaral, pagsasanay at mga pagsusulit. 


Post a Comment

0 Comments

Pages