Kayarian ng Salita

Kayarian ng Salita

Ang kayarian ng salita ay tumutukoy sa paraan ng pagbubuo at anyo ng mga salita sa wikang Filipino — partikular kung paano ito naglalaman ng salitang-ugat, panlapi, pag-uulit, o pinagsamang salita.

Ang mga salita ay nabubuo sa apat na paraan narito ang kayarian ng salita payak, maylapi, inuulit, at tambalan.

1. Payak

Ang payak na salita ay salitang ugat lamang o simpleng salita, walang panlapi, walang pag-uulit, at hindi pinagsama sa ibang salita. 

Mga Halimbawa: ganda, bahay, utos, saya at sipag


2. Maylapi

Ito ay binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Ang panlapi ay ang mga pantig na idinaragdag natin sa salitang ugat kaya nakabubuo tayo ng mga maylaping salita. Ang mga panlapi ay maaaring nasa anyong unlapi, gitlapi, hulapi, at kabilaan.

Unlapi - ang panlapi ay nasa unahan ng salitang ugat

(halimbawa: ma- + saya = masaya)

Gitlapi - ang panlapi ay nasa gitna ng salitang ugat

(halimbawa: -um- + lipad = lumipad)

Hulapi - ang panlapi ay nasa hulihan ng salitang ugat

(halimbawa: ilaw + -an = ilawan)

Kabilaan - ang mga panlapi ay nasa unahan at hulihan ng salitang ugat

(halimbawa: ka- , -an + sipag = kasipagan)


3. Inuulit

Inuulit ang salita kung inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito. Ito ay maaaring pag-uulit na ganap at pag-uulit na di ganap. Ito ay pag-uulit na ganap kung ang salitang ugat ay inuulit. Ang mga halimbawa ay ang mga salitang; araw-araw, gabi-gabi, sabi-sabi, litong-lito, at kitang-kita. Ito ay pag-uulit na di ganap kung bahagi lamang ng salitang ugat ang inuulit. Ang mga halimbawa ay uupo, tatalon, kakain, bibili,at aasa.


4. Tambalan

Ang tambalang salita ay dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang salita. Ang mga halimbawa ay kapitbahay, anakpawis, matapobre, silid-aklatan at bahaghari


Narito ang iyong free worksheet ng aralin na maaari mong i-download at pagsanayan: Kayarian ng Salita

Post a Comment

0 Comments

Pages