Pangngalan Worksheets

Pangngalan 

Ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop,  lugar o pangyayari.

 
       Lahat ng nasa mundo ay may ngalan o names.

Mga halimbawa:

  • Ngalan ng tao - bata, nanay, tatay, ate, kuya, pinsan, kapatid, lolo, lola, guro, doktor, mag-aaral, magsasaka, mangingisda, Ana, Jose at Mark.

  • Ngalan ng bagay - papel, kahon, damo, baso, bote, mesa, upuan,lapis, kompyuter, laruan, aklat, relo, bag, larawan at telepono.

                   
  • Ngalan ng hayop - ibon, palaka, kalabaw, baka, bibe, isda, kabayo,buwaya, elepante, leon, tigre, unggoy, kuneho at baboy.

  • Ngalan ng lugar - bahay, silid, kusina, sala, silid-aralan, paaralan, bukid, istasyon ng pulis, restawran, simbahan at opisina.

  • Ngalan ng pangyayari - kaarawan, kasal, pista, binyag, Araw ng Kalayaan,Pasko, Bagong Taon at Araw ng mga Puso.

Narito ang pagsasanay tungkol sa Pangngalan.

Post a Comment

3 Comments

  1. Magaling at mahusay!! ano po ang isesearh sa halimbawa sa picture po katulad ng nakalgay na piture sa Kaya mo na! Gusto ko po ang pic na iyon Maraming salamat po. God bless you more.

    ReplyDelete

Pages