Pangngalang Pambalana at Pangngalang Pantangi
- Pangngalang Pambalana o tinatawag din na Di tiyak na ngalan dahil nagsasaad ito ng pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik o letra.
Mga Halimbawa:
Tao - sanggol , binata at ninang
Bagay - telebisyon , radyo at aklat
Hayop - pusa , bibe at ibon
Lugar - bansa , lalawigan at lungsod
Pangyayari - pagtitipon , kaarawan at pista
- Pangngalang Pantangi o tinatawag din na Tiyak na ngalan dahil nagsasaad ito ng tiyak o tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik o letra.
Mga Halimbawa:
Tao - Miguel , G. Laurel at Gng. Garcia
Bagay - Samsung , Panasonic at Noli Me Tangere
Hayop - Kitty , Donald at Tweety
Lugar - Pilipinas , Tarlac at Lungsod ng Cebu
Pangyayari - Araw ng mga Bayani , Pasko at Panagbenga Festival
Ilan pang mga halimbawa:
Pambalana Pantangi
guro Bb. Flores
lapis Mongol
kape Nescafe
telepono Huawei
kompyuter Acer
mag-aaral Jack
panaderya Butter World
pasyalan Luneta Park
Narito ang pagsasanay tungkol sa Pangngalang Pambalana at Pantangi
2 Comments
hello po,
ReplyDeletepano po maka avail ng free worksheets sa AP?
I really appreciated your work Ma'am . This was made from the heart.
ReplyDelete